ANONG INIISIP KO ?
isang opinyon tungkol sa dokumentaryong
“ ISANG TAON LANG ” ( Kara David )
Alam naman natin kung ano ang pakiramdam na hindi natin alam yung mga impormasyon lalo na sa mga pakikibaka na kinakaharap ng iba araw-araw dahil nakatuon lamang tayo sa ating buhay at sarili. Dito tayo naging ignorante kasi iba't ibang uri ng problemang kinakaharap ng ating mga tao araw-araw dahil sa kaunting suporta na kanilang nakukuha o kahit na kakulangan lamang ng kamalayan mula sa mga tao at ating kasalanan niyan. Ang dokumentaryong ito ay nagbibigay ng halimbawa na dapat natin malaman tungkol sa mga problema na ilalahad sa dokumentaryo.
Ang dokumentaryo ay nagsimula sa bundok ng Sitio Banli Saranggani at sa una palang naglalakbay sila ay meron ng malaking problema na kapag panoorin mo pa ay nakikita natin ang mga kahoy nila ay pinuputol kaya dahil sa problemang ito hindi nila ma tanim ang mga “abaca” na tanging pinagkakakitaan nila para makabili ng pagkain tulad ng karne o bigas. Sila ay tinatawag na pinakamahirap na lugar sa probinsiya at sinabi nila sa dokumentaryo nga kamote lang ang kinakain sa mga kabataan at mga matatanda ngunit dahil sa nito, yung mga bata ay “chubby” mukha pero mapayat yung mga katawan nila at naiisip din ni “Kara david” kung paano alam niya itong tipong katawan kasi akala mo na malusog sila bagama’t hindi, sinabi ni Kara David na “kwashiorkor disease” ang conditsyon na iyon at ibig sabihin yan ay ang mga bata “malnourished”. Maliban sa problemang ito ang mga bata din ay tumutulong sapagkuha ng abaca kasi kailaingan nila ng pera para mabili yung mga kwaderno nila sa eskwelahan at iba pa. Marami talaga silang mga isyues gayunpaman ang pinakamalaking kahirapan nila ang yung mga punong pinuputol kasi dapat marami yung mga puno para ma tanim yung mga abaca at kung walang mga puno hindi tumutubo yung abaca dahil dapat malamig at hindi ilantad sa init. Nagtatapos ang dokumentaryo ng kumakain ang mga bata ng bigas pero ang lungkot talaga at “ironic” ito dahil ang mga taong nagpapasa ng sangkap ng pera hindi man lang makahawak ng pera.
Bilang isang kabataan ang aking magawa ay ipalaganap ang kamalayan at sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan, maraming tao ang magmamalasakit sa problemang ito. Kailangang alalahanin ang mga isyung kinakaharap ng ating bansa dahil maaari itong magkaroon ng direktang epekto sa ating pang-araw-araw na buhay Ang mga isyu tulad ng kahirapan, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at pangangalaga sa kapaligiran ay maaaring makaapekto sa ating kalidad ng buhay. Maaari tayong gumawa ng pagbabago sa mundo at lumikha ng isang mas bukas, pagtanggap, at mahabagin na kultura.