Friday, March 8, 2024

TAONG AKING IDOLO

PRINCESSA, DIANA FRANCES SPENCER


I. BUHAY 

• Si Princess Diana ay isang kilalang personalidad sa Britanya. Siya ay ipinanganak noong Hulyo 1, 1961 at lumaking malapit sa maharlikang pamilya sa kanilang Sandringham Estat at naging asawa siya ni Prince Charles, ang pinakabatang anak ni Queen Elizabeth II. Bilang isang miyembro ng Royal Family, si Diana ay kilala sa kanyang kagandahan, kabutihan, at kanyang pakikisama sa mga tao. Meron din siyang dalawang anak na ang mga pangalan ay sina prince William at Prince Harry. Ngunit sa kabila ng kanyang popularidad, naranasan niya ang mga suliranin sa kanyang pribadong buhay, kabilang ang hindi pagkakaunawaan sa kanyang asawa at ang pagsubok sa kanyang kalusugan pang-emosyonal. Dahil Siya ay lumihis mula sa kanilang “marriage” nang malaman ni Princess Diana na nagkaroon ng relasyon si Charles kay Camilla. Nakalulungkot na hindi nila magawang itama ang mga pagkakabasag at sana nalang ipagpatuloy bilang isang 'mag-asawa' sa harap ng mga kamera pero tama naman ang ginawa ni Diana na magkaroon ng “divorce” dahil hindi na yan mabuting relasyon. Hindi natin masyadong pinansin ang kanyang mga pakikipag-ugnayan dahil si Charles ang una talagang lumihis sa kanilang dalawa. Namatay si Princess Diana sa isang aksidente sa sasakyan noong Agosto 31, 1997, at maraming tao ang nalungkot sa kanyang pagkamatay.



II. PAMARAAN NG PAGTULONG
•  Maraming ginawa si Princess Diana noong buhay pa siya at kahit na wala na siya marami pa din siyang pinagtutulungan, Ang laki talaga ng “impact” niya sa hindi lamang sa bansa niya pero sa buong mundo din. 

     Noong maagang dekada ng 90s, ang AIDS ay kilala bilang isang taboo, ngunit pumunta siya at nakipagkita sa mga taong may HIV at Nakipagkamay siya sa kanila. Noon, iniwasan ng mga tao ang pumasok sa silid kung saan may pasyenteng may AIDS pero walang takot si Princess Diana at hinawakan ang kanilang mga kamay at Tinrato niya ang mga ito ng respeto na nararapat bilang tao. Nilabag niya ang Royal protocol sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga guwantes sa harap ng publiko, Sinuportahan niya ang mga karaniwang tao sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang mga lugar, hawak ang kanilang mga kamay, at nagbibigay ng pag-asa sa kanila. Lumaban si Diana para sa lahat ng kanyang totoong pinaniniwalaan, anuman ang libong taon ng Royal tradition. Nanatili siyang isang pandaigdigang icon matapos ang diborsiyo na nag-alis sa kanyang HRH status. At sa pagpapalit ng negatibong ito sa isang positibong bagay, siya ay lumampas sa mga hadlang na hindi gagawin ng mga royal noon. Si Princess Diana ay may napakalaking puso at walang hanggang pagmamahal sa mga nasa paligid niya. Siya ay patron ng 100 na mga charitable institution at nag-aalaga ng mga batang pasyente sa mga ospital, mga batang may AIDS, mga ina sa mga ospital para sa mga babae, at maraming beses na nagliligtas ng mga walang tirahan at may kapansanan. Ilan sa kanyang mga charitable institution ay kasama ang Leprosy Mission, Great Ormond Street Hospital for Children, International Red Cross Crescent, Centrepoint, at iba pa. Nakakarelate ang mga tao sa buong mundo kay Princess Diana bilang isang tao na may mga pagkukulang, tulad ng lahat ng tao, at maraming kabutihan sa kanya, tulad ng lahat ng tao. Hindi siya isang pinup na nakaupo lang na maganda at malamig, siya ay isang tunay na tao na maari nating maging kaugnay, Kaya nga tinatawag din siyang “People’s Princess” dahil sa mga ginawa niya at sa kanyang mabait na personalidad. 




III. BAKIT SIYA YUNG IDOLO KO 
Hinahangaan ko siya dahil bilang isang princessa ginagamit niya yung influensiya niya kasi alam niya na may kapangyarihan siya at madaming tao na mataas din ang kanilang ranko sa gobyerno o kaya naman “celebrity” sila pero hindi nila ginagamit ito para sa kabutihan, marami sa kanila ay iniisip lamang ang sarili para sa kung ano-ano na gusto nila pero si Princessa Diana ay hindi kagaya nila, mas ginagamit niya yung kanyang popularidad para magbigay “awareness” sa mga problema sa mundo. Alam naman natin na hindi naman niya iyon responsibilidad, ang “role” niya ay magkaroon ng “heir” at magbigay supporta  sa kanyang asawa at hindi naman sa hindi niya ito sinunod, sa katunayan ginawa niya ang lahat ng ito at nag-ambag ng kanyang tulong hindi lamang sa kanyang mga tao kundi sa mga taong higit na nangangailangan nito sa kanyang panahon. Hangad kong maging katulad niya, maging napakamaawain at mabait at gawin ang lahat ng iyong makakaya upang magbago at matulungan ang mga tao sa paligid mo, kahit na maraming tao ang nagkakaroon ng tsismis tungkol sa kanya, nagpatuloy pa rin siya sa paggawa ng mabuti


MGA VIDEO !








No comments:

Post a Comment

NAGHAHANAP NG KASAYSAYAN SA MGA BAGAY NG NAKARAAN

  Ang kasaysayan ay palaging naging isang pagkahumaling hindi lamang para sa akin kundi para sa iba rin. Palaging masarap matutunan ang mga ...